Buhay

Nahulog na lahat ng bituin 

na dati mong pinagmasdan, 

nagkapalit-palit na ang 

tag-araw at tag ulan,

naghihintay pa rin ba ng tula 

mula sa isang binata? 

 

 

Sa mundo kung saan lumang balita na

ang karahasan ng kalsada,

digmaan sa kabundukan, 

at dahan-dahan na katamay;

talaga bang isang piraso ng papel

na merong pinagtagpi-tagping mga salita

(tulad ng “kasama kita”, “tunay”, “panaginip” 

at “walang katapusan”) 

ang iyong pinakaaasam?

 

 

Sa lipunang pinapatakbo 

ng kalalakihan at mga gahaman,

ay pag-ibig ay madalas nagiging

morpina na lamang, 

nagbibigay lakas sa bawat huling hakbang

pagkatapos ng huling hakbang.

Hindi kusang 

darating ang mapagpalayang pag-ibig sa

iyong harapan.

 

 

Naghihintay pa rin ba

ng tula mula sa isang binata? Kung pwede

naman ikaw mismo

ang sumulat ng mga talinhaga,

para sa kapwa babae,

para sa walang boses, 

para sa isang bukas na mas

banayad sa mga magkasintahan.

 

 

At doon,

meron tunay na kwentuhan, 

tunay na mga awit, 

tunay ang kislap ng mga bituin, 

walang

tagasulat at tagabasa, 

dahil lahat ay pawang 

mga makata. 

 

 

Kaya iha, 

tipirin mo na ang mga luha,

basahin mo na ang mga naghihintay na libro,

yakapin ang pingkian ng panahon,

dahil, 

pasintabi kay ka John Lennon,

Buhay ang nangyayari habang

naghihintay ka ng tula 

mula sa isang binata…

 

 

Ang tulang ito ay sinulat ng aking kuya at iniregalo sa akin noong nakaraang Valentine’s Day. Ito rin ang kauna-unahang tula na natanggap ko mula sa isang binata. 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s