Kung minsan nang naisip

Na ang nararamdaman mo’y makabuluhan,

Isaisip sana na meron pang

Ibang bagay na pwedeng pag-alayan ng

Pag-ibig na dalisay.

Ialay na lang kaya ito

Sa mga manggagawa, magsasaka,

Sa kapwa estudyante, sa buong masa.

Ipangako na lang ang pag-ibig kay

Inang Bayan na madalas nang napabayaan.

Dahil, Sinta, kung totoo nga ang nadarama,

Mas nararapat na ipakita na lang ito

Sa mga lubos na nauuhaw

Sa pag-ibig na dakila.

Huwag mo sana akong gawing

Sentro ng iyong mundo pagkat

Hindi ko maipapangako na makakaya kong

Maging pantay ang mabibigay na

Atensyon, pag-unawa, at pag-kalinga.

Nawa’y intindihin mo na pag-intindi sa sarili kong

Nararamdama’y akin nang naging kahinaan.

Ngunit sinta, huwag mag-alala,

Pag-ibig mo’y hindi ko binabalewala.

Mas nararapat nga lang na,

Pag-ibig na yan ay ibahagi pa sa masa.

Huwag mangamba, sinta.

Pag- ibig na yan ay akin pa ring madadama,

Sa patuloy nating pakikibaka

Para makamit ang isang bukas na

Banayad kung saan ang lahat ng

Tao’y malaya’t masaya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s